Ayon sa isang prof sa AB, dalawang klaseng tao lang ang pumapasa sa polsci: yung matalino, tapos yung madiskarte. Malamang, yung ireg, hindi isa sa mga yun. O hindi nga ba? Sabi kasi ni Joed, palaging ireg yung mga tatanga-tanga sa class… eh ayoko namang mag conform sa ganun… mayabang ako eh!
Sa kinasamaang palad, naging ireg ako. Haha! Dahil mas nag-enjoy ako maging tamad kaysa mag-aral. Mas masarap naman talaga eh. Anyway. BOBO NGA BA ANG IREG? Eto ah: Stereotype lang yun! Tss, naniwala ka naman dun. (Matalino ako eh, sorry.) So bakit napagkakamalang bobo ang ireg? Ilang rason:
Una: walang contact sa regular students. Kaya hindi na-uupdate kung may quiz, assignments, o papers na ipapasa the following meeting, o di kaya ay hindi madadamay sa GM tuwing may make-up class. MALAS MO.
Pangalawa: Dahil madalas, may naibagsak na subject ang ireg na kailangang i-take ulit kaya napagkakamalang bobo. MALAS MO.
Pangatlo: Wala silang kaibigan sa classroom kundi mga ibang ireg din, kaya yun, walang katext, walang kakopyanahan, walang tagabigay sa kanya ng readings at handouts. MALAS MO.
Ano ngayon ang dapat mong gawin kung ireg ka? Eh di yung ginagawa ko!
Number one: Fifth year ka na! Taena, diyos ka na diyan sa college mo — use that to your advantage! May karapatan kang mag-angas at mag-coerce ng mga tao para makuha mo ang kailangan mo. Parang ganito:
Me (text): Mr. president, kelan ba panunuorin yung vid? Kelangan ko na mapanuod, ayoko mag-cram. Kung pwede, mag set kayo ng time para panuorin ng buong class, text mo ko tas pupunta ako sa school kahit sobrang busy ko sa office ngayon [isang kasinungalingan]. Kung di, isend mo sa email ko yung softcopy ng vid ngayong gabi, gusto ko kasi matapos na bukas to.
Class President: sige po, itetext ko po kayo. Pasensya na po.
— this worked wonders.
Number two: Makipag-kaibigan sa mga gago sa class, sa mga matalino sa class, sa presidente ng class, sa mga babae sa class. Huwag i-isolate ang sarili mo. Underhanded ka na nga kasi hindi kayo pareho ng schedule, di mo pa sila kaiibiganin, di ba? Sila ang mga anchor mo sa pagpasa sa class na kinasasalihan mo. Sila ang hihiraman mo ng notes, kokopyahan mo sa exam, at mag-uupdate sayo (kung naging close na kayo) sa mga pangyayari sa class.
Numebr three: MAG-ARAL. Nakakahiya ka naman kung bobobo-bobo ka pa sa class, ireg ka na nga! Pinanindigan mo talaga yung stereotype ah! Ano ka, walking cliche?! Kailangan mong ipakita na bilang upperclassmen, mas matalino ka sa mga ito. Pramis, titingalain ka ng mga yun. Ako pa, eh ako highest sa class. ^ ^ (Ang yabang ko!).
So, yun lang. I’m rewriting the stereotype of ireg!