May good news ako sayo!
Bibigyan kita ng roundtrip ticket papuntang Europe! All expense paid for. Libre lahat — day tour, transfers, hotel accommodations. Ah, tapos pwede ka magsama ng isang tao, girlfriend mo. Ayos, masarap di ba?
Kaso eh, sa sampung eroplanong maaari mong masakyan, isa dun, magka-crash landing sa dagat. Isa lang naman eh. Kung di mo naman masakyan yung eroplanong yun, eh di okey buhay ka. Ano, risk mo ba?
Kung ako, di na’ko sasakay.
Ganyan ang condom — 90% effective lang. Kung matsambahan mo yung isang 10%, buhay kang bata ka!
Nanunood kasi ako ng MTV ngayon, yung 2008 Music Summit, at ang theme nila eh AIDS Awareness and condom usage (sponsored kasi ng Frenzy condoms). Isang malaking kahibangang at kalokohan.
Una sa lahat, ang paggamit ng condom ay hindi AIDS awareness! Lalong lalo na ang pag promote ng sex sa kabataan! Marami-rami rin sigurong kaluluwa ang pananagutan ni Mark Abaya nung sinagaw niya:
“Do you love having sex? I love having sex! But use condoms! Yeah it sucks using one, but it helps prevent AIDS!”
Kung maaari kang makabuntins gamit ang condom, lalong mas posibleng magkaron o mag transfer ng HIV! Kung nakakalusot ang sperm cell sa condom, lalong mas nakakalusot ang HIV, isang virus na higit namas maliit pa sa sperm cell. Itanong mo sa mga totoong experto.
Pangalawa, obvious naman na ang AIDS ay nakukuha sa sex. So bakit ka kukuha ng condom para makipag sex? Ang pinaka mabisang solution — wag ka makipag sex! Same goes for pregnancy. Masyado parin mabigat ang risk. Sasakay ka pa ba?
So, sa madaling salita, condoms promote sex and therefore promote AIDS! Condoms corrupt and pollute the minds of the youth, conditioning their minds that premarital sex is absolutely normal. Hubaran ang BUTAS na katotohanan ng condom, at ipagbunyi ang totoong pagmamahalan: naghihintay. Kung di ka pa kasal pero di ka na rin virgin, di pa naman huli ang lahat eh, ititigil mo lang naman eh.
So kids, keep love real. True love waits.
Kahit may condom ka pa.